Kung naisin mo na ako ay iwan
Masasaktan man, ika’y bibitiwan
Di na kailangan na magpaliwanag
Sa’yong daan hindi haharang
Kung patungo ka naman sa iyong kaligayahan
Kung maramdamang may iba nang mahal
Mas nanaisin kung ika’y lilisan
‘Wag nang sayangin ang ‘yong oras sa akin
Magdaramdam ngunit palalayain
Hangad ko lang naman ang ‘yong kaligayahan
Mangangarap ngunit hindi aasang babalik
Gabi-gabing mananalangin
Pero ang ‘yong gusto ang susundin
Maghihintay ngunit hindi na muling lalapit
Isasantabi ang nararamdaman
Buong-buo ika’y pakakawalan
Masakit man sa loob
Hangad ko lang ang kaligayahan mo
Kung natatakot na ako’y masaktan
Huwag kang mag-alala sa’yong paglisan
‘Di papakita ang patak ng luha
Sa iyong harapan ako’y ngingiti lang
Huwag ka lang makadama ng kalungkutan
Kung naisin na ako’y balikan
Kung nasaktan ka, ika’y aking hahagkan
Pupunasan ko ang mga luha
Ang iyong lungkot pipiliting mawala
Hanggang sa madama ang ‘yong kaligayahan
Mangangarap ngunit hindi aasang babalik
Gabi-gabing mananalangin
Pero ang ‘yong gusto ang susundin
Maghihintay ngunit hindi na muling lalapit
Isasantabi ang nararamdaman
Buong-buo ika’y pakakawalan
Masakit man sa loob
Hangad ko lang ang kaligayahan mo
Abot langit ang daing na huwag mong iwan
Anong magagawa kundi ang magparaya
Harapin ang bukas na wala ka
Maging masaya na ika’y maligaya
Mangangarap ngunit hindi aasang babalik
Gabi-gabing mananalangin
Pero ang ‘yong gusto ang susundin
Maghihintay ngunit hindi na muling lalapit
Isasantabi ang nararamdaman
Buong-buo ika’y pakakawalan
Masakit man sa loob
Hangad ko lang ang kaligayahan
Masasaktan ngunit ika’y bibitawan
Hangad ko lang ang kaligayahan mo
Hangad ko lang ang kaligayahan mo