Nu'ng isilang ka
sa mundong ito
Laking tuwa ng
magulang mo
At ang kamay nila
ang iyong ilaw
At ang nanay
at tatay mo'y
'Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati
pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat
ang iyong nanay
Sa pagtimpla
ng gatas mo
At sa umaga nama'y
kalong ka ng
iyong amang
Tuwang tuwa sa iyo
Ngayon ng malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
'Di man sila payag
walang magagawa
Ikaw nga ay
biglang nagbago
Naging matigas
ang iyong ulo
At ang payo
nila'y sinuway mo
Di mo man lang
inisip na
Ang kanilang
ginagawa'y para sa iyo
'Pagkat ang nais mo'y
masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas
mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong
sa masamang bisyo
At ang una
mong nilapitan
Ang iyong
inang lumuluha
At ang tanong
Anak ba't ka
nagkaganyan
at ang iyong mga mata`y
biglang lumuha nang
di mo napapansin
Pagsisisi at sa isip
mo'y nalaman mong
Ikaw'y nagkamali
Pagsisisi at sa isip
mo'y nalaman mong
Ikaw'y nagkamali
Pagsisisi at sa isip
mo'y nalaman mong
Ikaw'y nagkamali@